LUMABAS na ang resulta ng pagsusuri ng Detoxicare Laboratory sa 95 test sa mga residente ng Valenzuela City kanina.
Negative ang resulta ng test sa 61 pinaniniwalaang nahawa ng coronavirus disease 2019.
Sa 34 na retest, 21 swab sample ang nagpositibo.
Sa kabuuan ay 1,533 na ang na-test mula Abril 11 hanggang Mayo 12. Sa bilang na ito 160 ang nagpositibo.
Ang Valenzuela ay nagsasagawa ng localized targeted mass testing para matukoy ang mga taong maaaring nahawa ng COVID-19.
MOST READ
LATEST STORIES