Teacher nag-offer ng P50M reward sa papatay kay Duterte, inaresto ng NBI

Screen grab from DZBB

 

ARESTADO ang 25-anyos na guro sa Pangasinan na nag-post sa kanyang Twitter account na magbibigay siya ng P50 milyong reward kung sino ang makapapatay kay Pangulong Duterte.

Nagsisisi si Ronnel Mas sa kanyang ginawa. May mga video rin na lumabas matapos itong maaresto kung saan makikita siyang umiiyak at humihingi ng tawad.

“Nagso-sorry po ako kay President Rodrigo Duterte dahil nagawa ko yun… hindi ko po intensyon yun.”

Inamin din ng suspek na gusto lamang niya na mayroong pumansin sa kanya sa Twitter kaya nagawa niya ang “wrong move” na post.

Nag-post ito sa kanyang account (@RonPrince) ng “I will give P50 million reward kung sino makakapatay kay Duterte #NoToABSCBNShutdown” noong Mayo 5 alas-9 ng gabi.

Umani umano ng negatibong komento ang post na ito kaya kanyang binura subalit marami na ang nakapag-screen grab nito.

Nakaabot sa kaalaman ng National Bureau of Investigation ang post kaya hinanap nila ang suspek na naaresto sa Brgy. Poblacion North, Sta. Cruz, Zambales. Dinala ito sa central office ng NBI sa Maynila.

Read more...