Kris: Sa laki ng tax na binayaran ko, bakit ako magnanakaw?

“GALING sa akin yan, ha!”

Yan ang ipinagdiinan ni Kris Aquino nang matanong kung sa bulsa ba  niya talaga galing ang ipinamigay na cash gift sa 10 pamilyang napili niyang pasayahin last Mother’s Day.

“Galing sa akin ‘yan, ha! Sa mga nagsasabi na bashers o troll o ewan ko sa inyo na ‘ninakaw’ daw namin (perang ipinamimigay), hello, sa laki ng tax na binayaran ko, bakit ako magnanakaw?  

“Ano ninakaw ko ‘yan sa sarili ko?  Sana naging tax evader na lang ako!” nakangiti pero halatang nainis na sabi ni Kris sa tanong kung sariling pera niya o galing sa sponsor ang P50,000 na kanyang ipinamigay. 

“My mom always said na kapag nabiyayaan ka o na-bless ka, wala kang karapatang angkinin lahat ‘yun kailangang ibinabahagi mo rin sa iba.

“It’s very important to share because kung hindi ka nagsi-share, hindi gaganahan si God na i-bless ka. If you become a blessing to others, then you will continue to be blessed.

“Simple lang naman, eh. itong Mother’s Day, what more can I ask for, I have two sons who really put me first, who really loved me, and talagang affectionate towards me parang ipinaparamdam talaga nila sa akin all the time when we’re together…and we feel fulfilled. 

“Kahit anong storm ang dumaan, kahit anong bagyo, kahit anong pagsubok, kaming tatlo solid kami at nagmamahalan kami,” ani Kris.

Nakakaaliw talaga ang bashers kasi halatang gusto lang nilang inisin si Kris dahil napakaliit ang halagang P50,000 kung ikukumpara sa mga branded bags na ipinara-raffle niya sa kanyang social media noon.

Bukod dito ay nagawa ni Kris na magregalo ng mamahaling gamit sa mga staff niya, ng sasakyan at kung anu-ano pa. 

Anyway, nagpapasalamat si Kris dahil ang lugar kung saan sila pansamantalang nakatira ay zero COVID-19. Dalawang buwan na sila ngayon sa Puerto Galera.

Abut-abot ang pasasalamat ni Kris sa lahat ng nanood ng Facebook Live niya na umabot sa 79k comments, “Salamat kasi nag-aksaya kayo ng panahong mag-comment tapos more than 1 million views na, it felt good kasi na-miss ko rin talagang mag-interview ng mga tao.

“Kaya pag-uusapan namin ng mga taga-Cornerstone, ‘yung head ng social media, si Jeff Vadillo who’s directing (the show) and in charge with me and ‘yung presidente ng Cornerstone na si Erickson Raymundo na kung gaano namin kadalas itong gagawin.

“And next time, kayo (publiko) kasi ang gusto kong makausap and I hope we’re gonna shoot that. We’ll try and hanggang sa abot ng makakaya ko,” paliwanag ni Kris.

At kung sakaling ma-extend ang ECQ at mag-FB Live siya uli, mamamahagi raw siya sa mga manonood ng tig P2,000 para pangtawid gutom.

Samantala, nagpasalamat ang 10 nakatanggap ng tig-5,000 pesos nitong Mother’s Day at iisa ang panalangin nila para sa Queen of Social Media, “Sana gumaling ka na, sana makabalik ka na sa showbiz at mapanood ka na namin ulit sa pelikula. God bless you at naging instrument ka ni Lord para mabigyan kami.”

 

Read more...