POSIBLENG lumakas pa ang bagyong Ambo bago ito mag-landfall sa Huwebes.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration maaaring maging Tropical Storm ang Tropical Depression na si Ambo, ang unang bagyo na pumasok sa Philippine Area of Responsibility ngayong taon.
Kung hindi magbabago ang direksyon ang bagyo ay magla-landfall sa Bicol Region at tatawid ito ng kalupaan at lalabas sa Central Luzon.
Kaninang alas-3 ng hapon ang bagyo ay nasa layong 330 kilometro sa silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Ang hangin nito ay may bilis na 55 kilometro bawat oras at pagbugsong 70 kilometro bawat oras.
MOST READ
LATEST STORIES