'Killer' lambanog nagkalat sa Cavite | Bandera

‘Killer’ lambanog nagkalat sa Cavite

- May 11, 2020 - 02:00 PM

MAYROONG mataas na methanol content ang isang brand ng lambanog mula sa Dasmariñas City, Cavite, ayon sa Food and Drug Administration (FDA).

Sinuri ng FDA ang “Bossing Tumador” matapos iulat ng City Health Office ng Dasmariñas na may mga nasawi sa lungsod dahil sa pag-inom nito.

Sa walong samples ng lambanog na kinolekta mula sa iba’t ibang barangay sa lungsod, tatlong samples ng “Bossing Tumador” Lambanog ang nagtataglay ng 10.5 porsyento, 17.8 porsyento at 18.1 porsyento na methanol.

Ang methanol ay kemikal na ginagamit bilang solvent sa chemical synthesis at fuel.

Ang pag-inom ng mataas na antas nito ay delikado sa katawan ng tao.

Bunsod nito ay binalaan ng FDA ang publiko na iwasan ang pagbili ng mga hindi rehistradong lambanog brands.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending