DINAKIP ang isang Cebuana model at beauty queen at ang kanyang dayuhang boyfriend nang mag-swimming sa beach sa Brgy. Basdiot, Moalboal, Cebu kahapon.
Kakasuhan ang dalawa dahil sa paglabag sa umiiral na enhanced community quarantine.
Ayon kay SMSgt.Jennelyn Awe, desk officer ng Moalboal Police Station, dinala sa presinto sina Maria Gigante at Spanish boyfriend niyang si Javier Filosa Castro.
Mula presinto ay dinala sa isolation center ang dalawa dahil galing sila sa Cebu City kung saan marami ang kaso ng Covid-19.
Ang bayan ng Moalboal ay may layong 89 kilometro mula sa Cebu City at kilala sa magagandang mga beach.
MOST READ
LATEST STORIES