UMAASA ang ABS-CBN na aaksyunan ng Kongreso ang kanilang franchise application upang muling makapagpalabas ng programa sa Channel 2.
“We trust that Congress will be able to act on our pending application for a franchise renewal at the soonest possible time. We are thankful for the efforts of both the House and the Senate leaderships to ensure that the network will continue to operate while the bills are being deliberated upon. During this pandemic, our services are needed most,” saad ng pahayag ng ABS-CBN.
Nagpasalamat din ang ABS-CBN sa suportang natatanggap nito.
Sinabi ng ABS-CBN na nakalulungkot na nagpalabas ang National Telecommunications Commission ng cease and desist order sa kabila ng pahayag ng Senado at Kamara na dapat payagan ang istasyon na magpatuloy ng operasyon habang dinidinig pa ang renewal ng aplikasyon nito.
“It is unfortunate that despite Senate Resolution No. 40, the House of Representatives’ committee on legislative franchises’ letter, and the favorable legal opinion of the Department of Justice, the NTC still issued their cease and desist order prohibiting ABS-CBN from continuing its broadcast operations effective immediately.”
“This is a challenging time for the network. But we have found strength and inspiration in the many acts of kindness and support shown to us by the public. Thank you for letting us know that we matter to you. In return, we reiterate our commitment to continue to be in your service. Maraming salamat po, mga Kapamilya!”
Noong Marso, nagsagawa ng pagdinig ang House committee on Legislative Franchise kung saan sinabi ng NTC na magpapalabas ito ng provisional authority para makapag-operate ang ABS-CBN.
Pinanghawakan ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang salitang ito ng NTC kaya nagulat ang Kamara ng maglabas ng CDO ang NTC noong nakaraang linggo.
Giit ni Cayetano kung nakapagbibigay ang Kongreso ng prangkisa na tumatagal ng 25 taon, may kapangyarihan din ito na utusan ang NTC na magbigay ng PA para makapag-operate pansamantala ang isang istasyon habang dinidinig ang aplikasyon nito.
Ngayong araw ay nagtakda ng pulong ang liderato ng Kamara kung saan inaasahang matatalakay ang susunod na hakbang kaugnay ng prangkisa ng ABS-CBN.