NASAWI sa Covid-19 ang isang 25-araw na sanggol sa Davao City kamakalawa.
Ayon sa Department of Health Region 9, ang lalaking sanggol ay nakatira sa Brgy. 23-C, kung saan marami ang nagpositibo sa virus.
Dinala ang sanggol sa Southern Philippines Medical Center, kung saan ito ipinanganak, dahil sa lagnat at pagdudumi.
Namatay ang bata makaraan ang dalawang araw
Ayon sa pagsusuri, nasawi ang sanggol dahil sa septic shock secondary to neonatal sepsis, neonatal pneumonia, acute gastroenteritis with severe dehydration, multiple electrolyte imbalance, at Covid-19.
Napag-alaman na ang nasabing barangay ang isa sa mga unang isinailalim sa enhanced community quarantine sa siyudad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.