Distribusyon ng ayuda nagkagulo; 3 arestado

INARESTO ang tatlong residente makaraang magkagulo ang pamimigay ng cash aid mula sa social amelioration program (SAP) ng pamahalaan sa Brgy Culiat, Quezon City kaninang umaga.

Sinabi ni brgy. chairman Vic Bernardo na nagalit ang ilang residente nang malaman na walang ipinamamahaging ayuda para sa mga natitirang benipisyaryo na hindi pa nabibigyan.

Paliwanag ni Bernardo, bukas pa  ibibigay ng Quezon City Social Services Development Department ang pondo para sa lugar.

Aniya, sinabihan niya na bumalik na lamang kinabukasan ang mga ito pero nagalit ang mga residente at nagsisigaw ang mga ito.

Sasampahan ng reklamo ang tatlong tao na nagsimula ng gulo.

Read more...