Barangay officials pinag-aaralang itaas ang kuwalipikasyon

IPINANUKALA ng Department of Interior and Local Government na itaas ang kuwalipikasyon ng mga uupong opisyal ng barangay.

Sa ganitong paraan, sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na mapo-professionalize ito.

Espesyal ang pagtingin sa barangay dahil ito lamang ang sangay ng gobyerno na mayroong executive, legislative at judicial power.

“Dapat pag-aralan din na i-professionalize na ang mga barangay. Hindi lamang sila honoraria [ang kanilang tinatanggap], sweldo na,” ani Malaya sa panayam sa radyo.

Inulan ng reklamo ang DILG dahil sa mga maling patakaran umanong ipinatutupad ng barangay sa pamimigay ng Social Amelioration Program fund sa mga benepisyaryo.

Ngayon ang huling araw na ibinigay ng DILG sa mga lokal na pamahalaan para matapos ang pamimigay ng unang tranche ng SAP fund.

Read more...