DAPAT umanong itigil ng Philippine Amusement and Gaming Corp., na pagmukhaing na limpak-limpak na pera ang ipapasok ng Philippine Offshore Gaming Operators sa kaban ng bayan.
Ayon kay Surigao del Norte Rep. Ace Barbers sa pagtataya ng Pagcor ay kikita ng P25 bilyon ang gobyerno mula sa POGO pero P200 milyon lamang ang ipinasok nitong kita at naiwan ang may P50 bilyong utang sa buwis noong 2019.
“We all now know that POGOs projected multi-billion-peso income are just prophesies. What is real is that they have more than P50 billion unpaid taxes and there’s not much government effort to collect them,” ani Barbers.
Punto pa ni Barbers mas malaki pa ang donasyon ng ilang kompanya sa bansa na nagbabayad ng malaking buwis sa paglabag ng gobyerno kontra sa coronavirus disease 2019.
“And in its latest press release, Pagcor said POGOs contributed only P150 million to the government in the fight against the Covid-19 pandemic. If this is so, we might just as well put a stop to all these POGO operations.”
Kamakailan ay inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management Of Emerging Infectious Diseases ang partial operation ng mga POGO na makasusunod sa ilang kondisyon.
Sinabi ni Pagcor Chairman Andrea Domingo na ang POGO industry ay nagbabayad ng P20 bilyon kada taon sa renta ng mga real-estate properties, P24 bilyong taunang income tax, at P1.25 bilyon mula sa value added tax na binabayaran ng mga manggagaw nito sa pagbili ng P12.5 bilyong halaga ng produkto kada buwan.
“PAGCOR has yet to submit to Congress or to any other concerned government entities about the lease payments by POGOs to the real-estate sector or if these more than 300,000 Chinese workers really pay P1.25 billion in VAT or if they’re really purchasing P12.5 billion a month,” ani Barbers. “Am really sad to say this, na para bang ang ibinebenta ng PAGCOR sa mga Filipino hinggil sa POGO ay panaginip lang. At parang di nila alintana ang labor, social at security threats na kaagapay nito sa ating lipunan.”