COVID-19 testing center sa E.Visayas kayang magproseso ng 700 samples kada araw

AABOT sa 700 swab test ang masusuri ng Eastern Visayas Regional Medical Center (EVRMC) Molecular Laboratory sa Tacloban City araw-araw kapag naging fully operational na ito.

Ayon kina House Majority Leader Martin Romualdez at misis nitong si House committee on Welfare of Children chairman Yedda Marie Romualdez 90 swab samples ang susuriin ng laboratoryo sa pagbubukas nito sa Lunes.

Itataas umano ang daily testing capacity ng laboratoryo sa 300 bago ito iakyat sa 700.

“We wish the best of luck and we are praying hard for the safety and good health of everyone as our medical team embarks on a very crucial mission of strengthening our COVID-19 fight,” saad ng mag-asawa sa isang pahayag.

Kanina ang blessing ng laboratoryo.

Ang mag-asawa ang bumili ng Reverse Transcription-Polymerase Chain

Reaction (RT-PCR) para magkaroon ng COVID-19 testing center sa Eastern Visayas. Sila rin ang gumastos sa pagpapaayos sa laboratoryo.

“With the Eastern Visayas Regional COVID-19 testing center, we have significantly increased our capability to address COVID-19. Mass testing of suspected cases will now be a more doable strategy. With the right and accurate baseline information, we are now more capable of preventing the further spread of COVID-19 and of carrying out a more calibrated and responsive public health care strategy for the region.”

Ayon kay Carlo Chris Serrano Apurillo, ng Philippine Association of Medical Technologists, Inc. (PAMET) Leyte-Biliran Chapter 90 samples ang isasalang bukas.

“For now, we have one running RT-PCR, ang isang shift po namin ay kayang mag-process ng around 90 samples so when we start, ang aming target on Monday kaya namin ang maximum na 90 samples,” ani Apurillo.

“But after that, we can increase it to 200 or 300 samples in three shifts at mayroon pa kaming isa pang RT-PCR na darating. This will double the capacity of the laboratory at mayroon din kaming inaasahan na isa pang machine that can still double the capacity at kung maraming testing kits, kaya namin ang 700 in one day.”

Read more...