NAITALA sa 40.1 degrees Celsius ang temperatura sa Echague, Isabela kahapon.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ito ang pinakamataas na temperatura na naitala ngayong tag-init.
Umabot naman sa 39.0 °C ang temperatura sa Tuguegarao City kahapon (Mayo 9).
Sa Hacienda Luisita, 38.7 °C ang naitala at 38.6 °C naman sa Camiling, Tarlac.
Sa Science City of Muñoz ay 38.5 °C.
Sa Science Garden sa Quezon City ang naitalang temperatura ay 36.5 °C.
Sa Metro Manila ang pinakamataas na temperatura na naitala ngayong taon ay 37.4 °C sa NAIA, Pasay City noong Mayo 5.
Sa kasaysayan ng Metro Manila ang pinakamataas na temperatura ay 38.6 °C na naitala sa Port Area, Manila noong Mayo 17, 1915.
Sa kasaysayan ng bansa ang pinakamataas na temperatura ay 42.2 °C na naitala sa Tuguegarao City noong Abril 22, 1912 at Mayo 11, 1969.