Mag-utol, 4 pa huli s buy-bust

KALABOSO ang anim katao kabilang ang dalawang magkapatid sa operasyon ng pulisya sa Quezon City.

Nasakote ng Kamuning Police sa buy-bust operation sina Oliver Agdon, 24, ang kapatid nitong si Louie, 30, at mga kasamang sina Milay Cafricho, 30, Inah Fornias, 20, Jun Michael Cuyag, 28, at Jayson Dichoso, 24, mga residente ng Brgy. Roxas, District.

Sila ay inaresto alas-7:30 ng gabi sa Rosario Bldg., Scout Chuatoco st., kanto ng Everlasting st., Brgy. Roxas District.

Nakumpiska umano sa kanila ang anim na sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P24,500.

Samantala, naaresto naman ng Galas Police sa buy-bust operation si Joshua Abaredes, 18, ng Brgy. Sto. Domingo, alas-8:45 ng gabi sa Quezon Ave., kanto ng Tuwayan st., Brgy. Tatalon.

Nakuhanan umano siya ng shabu na nagkakahalaga ng P5,800.

Read more...