Babaeng nahuli sa droga, wanted pala

Arrested

ISANG babae na wanted sa paglabag sa drug law ang naaresto ng pulisya dahil sa kaparehong paglabag sa Quezon City.

Si Editha Asisico, 43, ng Brgy. Bagong Barrio, Caloocan City, ay naaresto ng pulisya sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165).

Habang nakakulong sa Quezon City Female Dormitory sa Camp Karingal sa Brgy. Sikatuna Village, lumabas ang pangalan nito sa listahan ng mga wanted sa batas.

Siya ay mayroon umanong warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Dilinila-Callanta ng Regional Trial Court Branch 85 ng Quezon City.

Read more...