Wanted sa rape arestado

KALOBOSO ang 47-anyos na lalaki na wanted sa kasong rape sa Quezon City kagabi.

Si Joselito Abad, taxi driver at ng V. Francisco st., Brgy. Krus na Ligas, ay number 4most wanted person ng Anonas Police station.

Si Abad ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Reynaldo Daway, Presiding Judge ng Regional Trial Court (RTC) Branch 90 ng Quezon City. Ipinalabas ang warrant noong Enero 17, 2018 at walang piyansang inirekomenda para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

Naaresto si Abad alas-6 ng gabi sa bahay nito ng mga tauhan ng Anonas Police Station, District Intelligence Unit at Criminal Investigation and Detection Group.

Read more...