‘Nanay, tuloy pa rin ang laban…kapit lang’

BILANG mga ina, handa nilang gawin ang lahat para sa ikabubuti ng kanilang pamilya. 

Isasakripisyo nila ang sariling kaligayahan maging masaya lang ang mga anak at maibigay ang lahat ng kanilang pangangailangan.

Pero paano nga ba kung may pinagdaraanang mabigat na problema ang ina? Paano nga ba kung masuong sa matinding pagsubok ang mga nanay na bukod sa pag-aalaga sa pamilya ay kumakayod pa para magkaroon ng magandang kinabukasan ang mga anak?

Narito ang Mother’s Day hugot ng ilang inang nagtatrabaho sa ABS-CBN matapos ngang ipasara ang TV/radio network dahil sa issue ng prangkisa.

JOLINA MAGDANGAL

“Sa buong 34 years ko sa industriya at sa trabahong ito, ngayon ito naging pinakamahalaga sa akin dahil bukod dito, ako na ngayon ay isang nanay. Isang nanay na araw-araw ay nag-aalala para sa pamilya.

“Sa mga kapwa ko nanay at magulang, patuloy nating ipagdasal ang isa’t isa, at manalig na maaayos din ang lahat ng ito. Hindi tayo bibigyan ng Panginoon ng pagsubok na hindi natin kakayanin. Tuloy pa rin ang laban.”

DIMPLES ROMANA

 “Kapag ina ka, kapag magulang ka, anak, hindi kailanman nawawala sa puso at isipan mo ang pangamba araw araw para sa mga taong umaasa sayo.

“Lalo na sa mga panahon ngayon na sinusubok ang ating katatagan ng epidemiang ito. Mas nadagdagan pa ito ng malungkot na pangyayari ngayong gabi.

“Mother’s Day na, my heart bleeds para sa lahat ng ina, nanay, mommy, mama, lahat ng breadwinners who will not be able to sleep tonight thinking, worrying of how the coming days will be for their families who depend on them knowing our home network has signed off tonight.”

ANGEL AQUINO

“Our kapamilya TV station shuts down — for a few hours? A day? A week? For how long, we don’t know. They killed our beacon of love, hope, truth and freedom just like that. 

“For me, they just killed my lifeline. My work family and friends. My source of joy. My means of expression. My craft.

“Hindi na ako uupo at mananahimik. I grieve the (temporary) death of my home station, but it won’t keep me from joining the fight. Sabihin nyo lang kung saan.”

DENISE LAUREL

“Unemployed sole parent/provider (with a tiny bank account lol), thinking about everyone during this network shutdown and thinking about everyone during this pandemic, tempted to think about the future with questions i can’t answer…

“How He’s done EVERYTHING for me and my family! He has always, always shown up for me in my life! Specially when I least expect it lol!

“I may not know how things are gonna be or turn out but I KNOW HIM and that’s enough. Crazy what faith can do.”

KARLA ESTRADA

“Magpalakas tayo mga momshie! Ang tindi ng Laban natin ngayon. Kaliwat kanan ang pagsubok, pero hindi dapat matinag at May mga anak, magulang at kapamilya na umaasa sa atin. Pag tibayin ang kalusugan at HIGIT SA LAHAT AY ANG PANANAMPALATAYA.”

CHRRRY PIE PICACHE

“Sa lawak at sa dami ng emosyon na nararamdaman ngayon, hindi ko alam kung paano at saan magsisimula. Ang unang tanong lang sa puso at isip…ngayon talaga??!!! Sa oras ng pandaigdig na pandemya? Sa panahong kung saan daang daan tao ang namamatay at nagugutom.

“Sa gitna ng takot at pangamba ng milyong milyong mamamayan, ngayon talaga??!! Ngayon talaga kung saan daan na ang namatay, libo libong tao ang binubuwis ang buhay para sa iba, sa pamilya, sa komunidad, sa bayan. At sa lahat ng panahong ito, ang tahanan naming ABS-CBN ay patuloy na naserserbisyo, tumutulong, nakikiramay, nagbibigay ng mga mahahalagang impormasyon, entertainment para maibsan ang lungkot, kasama ang libo libong pamilya nito na buwis buhay at kabilang ako doon na PINATAY NINYO.

“Bilang tao, ina, kapamilya, Pilipino, ngayon po talaga kung kelan higit nating kailangan ang lahat ng tulong ng LAHAT ng mamamahayag at ng bawat isa. WALA ba tayong natututunan sa pandemyang ito??! Kulang pa ba??”

Read more...