UMABOT na sa 3,986 ang nakuhanan ng swab sample sa isinasagawang community-based coronavirus disease 2019 testing sa Quezon City.
Sa naturang bilang, 853 na ang lumabas ang resulta.
Dito, 728 ang nag-negatibo at 125 ang nag-positibo.
Upang mas mapabilis ang pagtukoy sa mga nahawahan ng COVID-19, nagtayo ang QC government ng mga testing center sa bawat distrito.
Nagsimula ito noong Abril 13.
Nagtayo naman ang extension facility ang Quezon City General Hospital para sa mga senior citizens na magpo-positibo sa nabanggit na virus.
Ang 15-bed extension ay donasyon ng Poveda Class of 2010 at Architect William Ti ang WTA Architecture and Design.
Kahapon ay umabot na sa 1,156 ang kabuuang bilang ng nagpositibo sa COVID sa lungsod. Sa mga ito 337 ang gumaling at 134 ang nasawi.
Ang lungsod ay may tinatayang 4 milyong populasyon.