Unang Mother’s Day ng mga first time celebrity nanay

SIGURADONG ibang-iba ang feeling ngayon ng mga first time celebrity mommy as they celebrate Mothers’ Day this year.
Of course, mas magiging memorable para sa kanila ang Araw Ng Mga Ina ngayong taon dahil sa unang pagkakataon ay sila naman ang babatiin ng “Happy Mothers’ Day.”
Narito ang ilan sa mga first time celebrity moms kasama ang kanilang mga panganay na anak.
ANNE CURTIS &  BABY DAHLIA
Isinilang ng TV host-actress ang firstborn nila ng asawang si Erwan Heussaff sa Australia nito lang nagdaang March 2, 2020.
Pinangalanan nila sa kaniya ay Dahlia Amelie.
Sa kanilang Instagram accounts naka-post ang mga cute DIY (do-it-yourself) photos ng sanggol na two months old na ngayon.
SOLENN HEUSSAFF & BABY THYLANE
New Year baby ang panganay nina Solenn Heussaff at Nico Bolzico na ipinanganak nitong Jan. 1, 2020. Hindi nila agad ipinakita sa publiko ang itsura ng baby para may element of surprise.
Nito lang nagdaang April 29 ibinandera ng showbiz couple ang mukha ni Baby Thylane Katana for the first time
ETHEL BOOBA & LITTLE BOOBA
Hindi inakala ng singer-comedienne na bibiyayaan pa siya ng anak sa kanyang edad. Mismong Feb. 14, Valentine’s Day, nanganak si Ethel.
Pinangalanan nila ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Jessie Salazar ang firstborn nilang si Baby Michaela o “Little Booba.
LUANE DY & BABY CHRIS
Nito lang May 2, 2020 nanganak ang Kapuso TV host-actress sa panganay nila ng character actor na si Carlo Gonzalez. Pinangalanan nila itong Christiano Gonzalez.
Naging challenging din para sa Kapuso couple ang huling buwan na pagbubuntis ni Mommy Luane dahil sa COVID-19 pandemic. Hindi pa rin nila niri-reveal ang itsura ng baby.
GWEN ZAMORA & BABY COOPER
Noong Aug. 15, 2019 pa nanganak ang aktres sa first baby nila ng basketball player-model na si DJ Semerad pero ngayon pa lang siya magse-celebrate ng Mothers’ Day kasama ang anak.

Ine-enjoy ngayon nina Gwen at DJ ang preciousmoments with their growing baby boy sa resthouse nila sa probinsya ngayong meron pa ring ECQ.

MICH LIGGAYU & BABY ANASTACIA
First time mom din ang internet sensation na si Mich na nakilala noon ng publiko kasama ang yumao niyang boyfriend na si Jam Sebastian. Sa ngayon, happy na siya sa piling ng kanyang bagong partner in life na si Neo Domingo.
Isinilang ni Mich ang panganay nila ni Neo nito lang March 24, 2020. Pinangalanan nila ang kanilang first baby na si Anastacia Margaret.

Read more...