Paolo sa nam-bully kay Baby Summer: Hiyang-hiya ako sa pagka-perfect mo!

NILAIT ng isang netizen ang anak ng Kapuso showbiz couple na sina Paolo Contis at LJ Reyes.

Hindi pinalampas ng magdyowa ang pang-ookray ng basher sa anak nilang si Summer Ayana. 

Sa magkahiwalay na post nina Paolo at LJ sa kanilang Instagram Story, niresbakan nila ang netizen na tumawag ng “pango” kay Baby Summer. 

Nag-post kasi ang Kapuso actress ng litrato ng anak sa IG at ikinuwento kung paano napunta kay Summet ang kanyang pajama top. Aliw na aliw namam ang kanyang IG followers dahil sa mga paandar ng bagets.

Pero may isa ngang matapang at walang awang basher na nanlait sa ilong ni Summer at sinabihan itong pango.

Bwelta ni Paolo sa kanya, “Hiyang-hiya naman ako sa pagka perfect mo! @longliveels!”

Sinabihan naman ni LJ ang nam-bully sa anak na gamitin na lang nito ang sobra-sobra niyang oras sa  pagtulong sa kapwa ngayong may krisis sa bansa.

“Di ko alam bakit may ganitong mga tao. Ma’am may pandemic po. Marami pong nangangailangan ng tulong.

“Kung maraming time manlait ng iba, baka po puwedeng gamiting nyo nalang po oras nyo para makatulong.

“Mas gugustusin ko ang “pango” ilong ng anak ko kesa isipin nya na importante ang pisikal na itsura ng tao.”

Read more...