10% dagdag buwis sa langis ipinababawi | Bandera

10% dagdag buwis sa langis ipinababawi

Leifbilly Begas - May 09, 2020 - 12:02 PM

Oil

UMAPELA ang Bayan Muna kay Pangulong Duterte na bawiin ang pagdaragdag ng 10 porsyento sa buwis na ipinapataw sa imported na produktong petrolyo.

Ayon kay Rep. Carlos Zarate ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo ay mayroon epekto sa presyo ng mga bilihin.

“Grabe ang magiging impact nito sa mamamayan na dalawang buwan na walang maayos na pinagkakakitaan at ang marami pa nga ay nawalan ng trabaho. Ang gagawin lang kasi ng mga kompanya ay ipapasa ang dagdag buwis na ito sa mamamayan,” ani Deputy Minority leader Zarate.

“Sabihin man ng pamahalaan na para ito magkapondo panlaban sa CoViD 19, pero, in the end ang magpopondo pala nito ay ang mamamayan din pala, mismong mga dapat bigyan ng ayuda,” dagdag pa nito.

Sinabi naman ni Bayan Muna chairman Neri Colmenares na parang ginigisa sa sariling mantika ang mga Pilipino.

“Para na naman tayong ginigisa sa sariling mantika at tayo pa ang pinabili ng bawang at sibuyas. Sana ay bawiin na lang ito ng presidente para di na maging pabigat pa sa mamamayan. Natuwa tayo na nangako ng tulong ang gobyerno, iyon pala babawiin sa atin sa pamamagitan ng dagdag na buwis. Ang binigay ng kaliwa, binawi ng kanan,” saad ni Colmenares.

Sinabi ni Colmenares na may pondo na maaaring magamit ang gobyerno laban sa COVID-19.

“Dahil sa dagdag buwis na ito tataas ang presyo ng langis at mga bilihin pati kuryente, tataas din ang presyo ng LPG sa mga tahanan baka pati pamasahe tumaas dahil dito. Pasakit talaga ito sa mamamayan. Marami pa namang pondo ang gobyerno tulad ng pork barrel, Malampaya fund at sekretong savings nya mula noong 2017 pa. Dapat dito kukunin ang pondo, at hindi sa tao,” dagdag pa ni Colmenares.

Pinirmahan ni Pangulong Duterte ang Executive Order 113 na pansamantalang nagdaragdag ng 10 porsyento sa buwis na ipinapataw sa imported na produktong petrolyo. Ito ay bukod pa sa excise tax at sa value added tax na ipinapataw na.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending