NIYANIG ng magnitude 4.1 lindol ang Agusan del Norte kanina, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.
Ang epicenter ng lindol ay 11 kilometro sa bayan ng Remedios Romualdez. May lalim itong 12 kilometro.
Naramdaman ang lindol alas-3:12 ng hapon.
Nagdulot ito ng Intensity IV na paggalaw sa Cabadbaran, Agusan del Norte.
Intensity III naman sa Magallanes, Agusan del Norte at Butuan City.
MOST READ
LATEST STORIES