OFWs na nahawa ng COVID 2,140 na

UMABOT sa 218 ang bilang ng mga overseas Filipino workers na dumagdag sa mga nahawa ng coronavirus disease 2019.

Sa kabuuan ay 2,140 na ang mga OFW na nahawa, ayon sa datos ng Department of Foreign Affairs.

Ang mga nagpapagaling ay 1,322 na.

Nadagdagan naman ng 22 ang bilang ng mga nasawi na may kabuuang bilang na 244.

Ang mga gumaling na ay 574 naman.

Ang mga OFW na nahawa ay nakakalat sa 46 bansa.

Read more...