PH Navy ship na may dalang PPE nagliyab sa dagat, 2 sugatan

DALAWANG miyembro ng Philippine Navy ang sugatan nang magliyab ang isa sa dalawang barko ng hukbo na bumibiyahe pabalik ng bansa matapos humakot ng personal protective equipment sa India.

Naganap ang sunog sa main engine room ng BRP Ramon Alcaraz, Huwebes ng gabi, ilang oras matapos nitong umalis sa Port of Cochin, ani LCdr. Ma. Christina Roxas, tagapagsalita ng Navy.

Kasamang bumibiyahe noon ng Ramon Alcaraz ang BRP Davao del Sur para bumalik sa Maynila.

Dala noon ng mga barko ang 200,000 face mask na donasyon para sa laban ng Pilipinas kontra COVID-19, at 18 turistang Pilipino na na-strand sa India dahil sa pandemic.

“The incident [resulted in] two personnel casualties and minor equipment damages. Both sailors sustained second degree burns. The victims are to be airlifted to a naval hospital in Cochin, India, for extensive medical attention,” ani Roxas.

Aniya, naapula naman ng rapid response team ng Ramon Alcaraz ang apoy matapos ang 10 minuto.

“Onboard engineers are now assessing the damage to the ship’s main propulsion system to determine whether they can proceed with their voyage or return to India to conduct necessary repairs,” ani Roxas.

Kinilala naman ng hukbo ang mabilis na pagresponde ng ng mga tauhan nito para maapula ang apoy.

“This unfortunate incident could have been worse if not for the promptness of our personnel in responding to the fire incident. We recognize the gallant efforts of our personnel in responding to the emergency situation in spite of the dangers involved,” ani Roxas.

Read more...