SA panahon kung kailan dapat nagsasama-sama dahil sa coronavirus disease 2019, nagwawatak-watak umano ang mga Pilipino dahil sa pagsasara ng ABS-CBN 2.
Umaasa rin si Ang Probinsyano Rep. Ronnie Ong na babawiin ng National Telecommunications Commission ang cease and desist order na ipinalabas nito laban sa channel 2.
“There is more than enough basis in policy, practice, administrative due process and equity to support the continued operation of the network while the House of Representatives is still hearing the convoluted issues surrounding its franchise application,” ani Ong sa isang pahayag.
Sinabi ni Ong na sa panahon kung kailan kailangan ang isa’t isa ay nagwawatak-watak ang mga Pilipino.
“More importantly, we are in a state of emergency. If WE ARE TO HEAL AS ONE, we need all helping hands and sectors on deck,” ani Ong. “Kailangan po natin ang isa’t isa, kasama ang serbisyo, malawak na news coverage, at humanitarian assistance ng ABS-CBN, kasama ang mga manggagawa nito.”
Sinabi Ong na ang kailangan ngayon ay Bayanihan at hindi maglaban-laban.
“Kailangan po natin ang BAYANIHAN kontra sa nag-iisa nating kalaban — ang COVID-19. Ito po dapat ang nag-uubos ng oras natin ngayon, lalo na tayong mga nasa gobyerno,” saad ng solon. “In these challenging times, we need to unite for the greater good. Kasama ang ABS-CBN sa paghahatid ng balita at tulong sa iba’t ibang panig ng Pilipinas, at mga Pilipino sa buong mundo.”