Pagod nang alagaan, ina inilibing nang buhay ng Intsik

KINASUHAN ng attempted murder ng pulisya sa hilagang China ang lalaki na inilibing nang buhay ang kanyang ina sa abandonadong puntod.

Buhay naman nang mahukay ng mga otoridad ang biktima, na tatlong araw na nasa loob ng puntod. Na-trauma ito sa pangyayari, ayon sa mga pulis.

Sinabi ng asawa ng suspek na huli niyang nakita ang kanyang biyenan na isinakay sa kareta o wheel barrow ng kanyang mister. Nang hindi umuwi nang tatlong araw ang matanda ay humingi na siya ng tulong sa pulis.

Dinakip ang suspek, na may apelido na Ma, 58, sa Jingbian, Shaanxi.

Agad namang natunton ng mga rescuer ang pinaglibingan sa biktima, 78, saka dinala sa ospital upang magamot.

Napag-alaman na bahagyang paralisado ang katawan ng matanda at napagod na umano ang anak niya na alagaan siya, ayon sa pahayagan na China Daily. –I

Read more...