MARK na-trauma, ayaw nang balikan si YNNA ASISTIO?
Aminado si Mark Herras na naapektuhan siya sa paghihiwalay nila ni Ynna Asistio, pero hindi naman siya umabot sa puntong nagplano na siyang magpakamatay o magpabaya sa kanyang trabaho.
Sa isang interview, sinabi ng aktor-dancer na nasaktan siya sa break-up nila ni Ynna, pero alam niyang hindi pa naman katapusan ng mundo, “Basta ako ngayon, nagbalik ako sa trabaho.
Mas nagpu-focus ako sa trabaho ko. Ayoko naman kasi na ma-disappoint naman sa akin ang GMA. “Basta sinabi ko lang sa sarili ko, and that’s for the record, na I’ll be more professional with my work and at the same time ay mas gagalingan ko.
Malaking tulong na busy ako para wala na akong iniisip na kung anu-ano ako. Basta happy na ako,” sey ni Mark.
Handa na ba siyang pumasok sa bagong relasyon? “Maybe yes, maybe not yet.
We’ll see. Parang ano, wala pa talaga siguro sa isip ko ngayon. Hindi naman madali yung pinagdaanan ko. Ayaw mo munang isipin na bagong ano na naman…mabigat, e.”
Umaasa pa ba siya na magkakabalikan sila ni Ynna? “Puwedeng oo, puwedeng hindi na. Hindi kasi natin masabi kung ano ang kapalaran, e. Hindi natin alam.”
At para naman sa mga taong ayaw tumigil ng paninira at pang-aalipusta sa kanya, “Basta ako, hindi ko na sila papansinin. Kung ano ang mga sinabi nila o meron pa silang sinasabi, wala na yun sa akin.
“Hindi naman maiwasan yun at parang kinasanayan ko rin. Parang hindi ako tinatablan. Ang sa akin ngayon, kung anong trabaho ang ibigay sa akin ng network ay sana magawa ko nang tama.
“Sana matuwa sila sa mga gagawin ko pa sa acting, dancing, at siguro sa hosting na rin. Trabaho lang talaga ako ngayon, yun ang pinaka-goal ko ngayon,” pahayag pa ni Mark.
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.