Ivana sa pagbibigay ng ayuda: Bini-video ko ito hindi para magyabang! 

“HINDI pagyayabang ang ginagawa naming pagtulong.” 

Yan ang ipinagdiinan ng Kapamilya sexy star-vlogger na si Ivana Alawi sa patuloy na paghahatid ng ayuda sa mga naapektuhan ng lockdown dahil sa COVID-19 pandemic.

Hindi naniniwala ang dalaga na kapag ibinandera sa social media ang pagtulong ng isang tao ibig sabihin ay gusto lang niyang magyabang o ipakita sa buong mundo na isa siyang mabuting tao.

Ani Ivana, tulad ng ibang celebrities ipino-post niya sa YouTube channel  ang relief mission na ginagawa ng kanilang pamilya para magsilbing inspirasyon sa iba.

 

Kamakailan, muling nag-donate ang sexy actress ng food packs at alcohol sa ilang lugar sa Taguig, Mandaluyong at Quezon City.

Si Ivana mismo ang nag-repack ng bigas at canned goods katuwang ang kanyang nanay at mga kapatid. Mapapanood ang ginawa nilang preparasyon sa latest vlog ng dalaga.

Dito sinabi ng aktres na nais lamang niyang i-share ang blessings na natatanggap niya at hangga’t kaya pa ay hindi siya titigil sa pagbibigay ng ayuda para sa mga kababayan nating nangangailangan.

“Ngayon itong mga blessings na ise-share natin is not just from me. It’s from all of us — you, my family, and of course kay God kasi siyempre bine-bless niya tayo.

“Ang point ko to do this is not to brag. Hindi ako pumupunta dito para mag-video tapos ipapakita sa inyo na parang, ‘O tingnan mo ‘yung ginawa ko. Tingnan mo ‘yung ganito, ganyan.’ 

“Gusto ko lang maka-inspire. Malay mo sa video na ito, may ma-inspire tayo, na lahat pala, kahit sino pwedeng tumulong in our own little ways,” pahayag ng bagong Pantasya ng Bayan.

Pinuri rin ni Ivana ang kanyang mga kapatid, lalo na si Mona na sa murang edad ay marunong nang magpahalaga sa kapakanan ng kanyang kapwa.

“Marunong na siya sa (pagtulong) sa buhay ng mga taong nangangailangan,” aniya.

Isa si Ivana sa mga local celebrities na pinaniniwalaang milyones ang kinikita sa pagba-vlog dahil milyun-milyon na rin ang subscribers niya sa YouTube.

Read more...