DI bababa sa dalawang kasapi ng New People’s Army ang napatay nang makasagupa ang pulisya sa Bulan, Sorsogon, kaninang umaga.
Inaalam pa ang pagkakakilanlan g mga napatay, habang may narekober ding limang mahahabang baril, mga magazine, bala, at dokumento, ayon kay Maj. Ma. Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol regional police.
Nakasagupa ng mga pulis ang mga rebelde sa Brgy. Dolos, dakong alas-5:30.
Nagsasagawa ngayon ng checkpoint sa mga karatig-bayan para harangin ang iba pang rebelde na nakatakas mataapos ang sagupaan, ani Calubaquib.
MOST READ
LATEST STORIES