Coco bumanat uli: Hindi namin kayo kailangan sa buhay namin!”

TULUY-TULOY pa rin ang pagbi-beast mode ng Teleserye King na si Coco Martin laban sa mga bumabanat sa ABS-CBN.

Hindi talaga tatantanan ng award-winning actor ang mga bashers lalo na yung mga taong tuwang-tuwa pa sa pagsasara ng kanyang mother network dahil sa issue ng prangkisa.

Kung inaakala ng mga galit na galit sa ABS-CBN na basta na lang sila susuko sa matinding hamong hinaharap nila ngayon, nagkakamali kayo, ayon mismo kay Coco. 

Nitong mga nagdaang araw, talagang palaban sa mga bashers ang lead star ng FPJ’s Ang Probinsyano — tapos na raw ang panahon ng pagpipigil at pangdededma sa mga haters at trolls na walang ginawa kundi ang mambastos at mangwalanghiya ng kapwa.

Sa katunayan, talagang napamura pa si Coco sa matinding galit na nararamdaman sa National Telecommunications Commission na siyang naglabas ng cease and desist order para ipatigil ang operasyon ng Kapamilya Network.

Hindi rin nakaligtas sa kanya ang mga taong nagpipiyesta ngayon dahil sa pagsasara ng ABS-CBN kung saan 11,000 empleyado ang mawawalan ng trabaho. Nakatikim talaga ang mga ito ng bagsik at kamandag ni Cardo Dalisay.

“NGAYON KO LANG NARAMDAMAN ANG SARAP PALA SA PAKIRAMDAM YUNG NALALABAS MO YUNG MGA NASA SA LOOB MO YUNG WALA KANG KINATATAKUTAN AT PINANGINGILAGAN.

“KAYA PALA MASAYANG MASAYA YUNG MGA BASHERS AT TROLLS SA GINAGAWA NILA E! 

“KC TAYONG MGA ARTISTA WALANG MAGAWA KAPAG NILAIT NILA KAPAG KINUTYA NILA DI TAYO MAKAPALAG, NGAYON WALA NA TAYONG TRABAHO PANTAY PANTAY NA TAYO PWEDE NA TAYO LUMABAN WALA NA TAYO DAPAT KATAKUTAN!!! 

“SILA GUSTONG GUSTO NILA BASAHIN KUNG ANO ANG MGA POST NATIN NGAYON ANG PAGKAKATAON PARA MAKAGANTI TAYO AWAYIN NATIN SILA AT WAG BASAHIN ANG MGA COMMENTS NILA HAYAAN NATIN SILA MAG COMMENTS PARA MAG MUKA SILANG TANGA!!! 

“SA LAHAT NG MGA BASHERS NAMIN LIBRE LAIT WALANG MAG BABASA!!!” ang caption ni Coco sa nauna niyang Instagram post.

Ito naman ang sagot niya sa mga netizens na galit na galit sa kanya at sa iba pang Kapamilya stars na lantaran ang pagtatanggol sa ABS-CBN.

“GANITO KASIMPLE YAN MGA KAIBIGAN LAHAT NG MGA AYAW SAMIN AT GALIT SA ABS CBN AT NAG DIDIWANG NGAYON WAG NYO KAMI IFOLLOW.

“HINDI NAMIN KAYO KAILANGAN SA BUHAY NAMIN PARA LAITIN KAMI AT PAGTAWANAN SA PINAG DADAANAN NAMING LAHAT! 

“YUNG MGA TOTOONG TAGAHANGA NAMIN AT NANINIWALA SAMIN ANG MANATILI SA IG ACCNT NAMIN.

“YUNG MGA BASHERS AT TROLLS NA NAKIKISILIP LANG AT MAY OPINION PA, SA BUHAY NAMIN MALAYA PO KAYO MAKAKAALIS.

“HINDI PO NAMIN KAYO KAILANGAN SA BUHAY NAMIN! HINDI KAMI MAMAMATAY PAG UMALIS KAYO. IKATUTUWA PA PO NAMIN MARAMING SALAMAT PO! 

“IFOLLOW NYO MGA IDOL NYO. HINDI PO NAMIN KAYO KAILANGAN!!! SALAMAT PO.”

Read more...