Frankie bibigyan ng trabaho si mommy: About to hire Shawie as my intern 

Sharon-Franki

HANDANG bigyan ng trabaho ni Frankie Pangilinan ang kanyang nanay na si Sharon Cuneta ngayong sarado na ang ABS-CBN.

Maraming naaliw sa mensahe ng dalaga para sa kanyang ina dahil kahit paano’y pinagaan nito ang mabigat na issue ng pagpapatigil sa operasyon ng Kapamilya Network.

Ayon kay Frankie ngayong “in need of work” daw ang kanyang Mega mom ready naman daw siyang kunin ito bilang “intern” niya habang hinihintay ang muling pagbubukas ng ABS-CBN.

“About to hire Shawie as my intern since she needs the work,” tweet ni Frankie ilang araw matapos ngang maglabas ng cease and desist order ang National Telecommunications Commission laban sa network.

Pinatulan naman ni Mega ang paandar ng anak at nagsabing, “Yes please! Gimme stuff to do and you won’t have to pay me! In fact, why do I get the feeling that I might be the only intern in the world who will fund her boss’ projects?! I love you! Please gimme a JOB!”

“Whoa there overachiever!” hirit naman sa kanya ni Frankie. Dugtong na biro pa nito, “Hahaha! Chill kid work ur way up the ladder.”

Ilang oras lang matapos magsara ang ABS-CBN, nagpahayag agad ng suporta at pakikisimpatya si Mega sa kanyang mother network. Ang sakit-sakit daw sa pakiramdam na malamang wala nang mapapanood sa Channel 2.

“Thirty years na ako sa ABS-CBN. It’s my home. There’s tens of thousands of employees who are going to lose their jobs, and I cannot take that.

Tapos ‘yung staff namin mismo at crew, sila ‘yung mawawalan ng trabaho. Ako, okay lang… okay na ako, pero sila? Ang sakit,” aniya pa.

Read more...