MAY bago na naman palang food business si Ai Ai delas Alas, ang Martina’s Breads and Pastries.
Ang Martina ay bahagi ng compound name ng Comedy Queen na karugtong ng Aileen.
Sa panahon ngayon ng ECQ ay sa online orders muna tumatakbo ang kanyang negosyo na ang ipinagmamalaking bestseller ay ube pandesal.
Ewan kung sadyang pinili niya ang root crop na ito since ang salitang “ube” ay tumutukoy sa 100-peso denomination.
Noon pa nakipagsapalaran si Ai Ai sa negosyong pagkain, it being one of the basic necessities alongside clothing and shelter.
Many years ago, nagtayo siya ng tapsihan called Ai Sarap na ang isa sa mga branches ay sa tapat mismo ng ABS-CBN. Meron din sa bahagi ng Pasig at sa Maynila, pero isa-isa ring nag-fold up.
Sinundan ito sometime in 2016 ng isang Chinese restaurant, na ewan kung operational pa.
But one thing’s common sa mga itinayo niyang kainan: affordable ang mga pagkain at dayuhin (as in dinudumog) dahil the fact that siya ang may-ari ay malaking bentahe na ito para sa mga parokyano.
Ang Martina’s naman ay hindi masasabing high-end bakeshop. Its products are just as affordable.
Wonder kung anong ayuda meron si Ai Ai sa mga frontliners sa pamamagitan ng kanyang mga panindang tinapay na siya raw ang personal na nagbe-bake.
Ewan nga lang kung mapapangatawanan ni Ai Ai ang paggising nang maaga to do baking herself once bumalik na uli sa normal ang takbo ng kanyang trabaho sa GMA.
* * *
Noon pa mang nasa Radyo Singko pa kami (2016-2017) ay kakabit na ng pangalan ng noo’y co-anchor ni Raffy Tulfo sa panghapong programang Wanted na si Nina Taduran ang bansag na Public Service Lady.
Nina had to take a leave off radio work noong kumandidato siya bilang isa sa mga kinatawan ng ACT-CIS party list in 2019, at nanalo siya alongside Mr. Jocelyn Tulfo and Eric Yap.
Dahil pambansang puwesto ang tinatakbuhan niya, Nina had to go around the country noong panahon ng kampanya.
At ngayong nahaharap tayo sa isang matinding health crisis, the now-congresswoman has been returning to places where she earnestly wooed the people’s votes.
Pagtanaw ‘yon ng utang na loob at pagsunod sa kanyang sinumpaang pangako na tutugunan niya ang mga problema ng ating mga kababayan. The latest relief operations na personal na pinuntahan ni Congw. Nina ay ang Barangay Mayapa sa Calamba, Laguna at marami pang lugar sa bansa.
A broadcast journalist herself, ramdam ng kongresista ang plight ng kanyang hanay. Kung hindi lang nagkaroon ng lockdown, ang nakabinbing bill sa Kongreso para sa mga mamamahayag in terms of welfare and assistance ay malapit na sanang maisabatas.
Personally, the Bicolana lawmaker and I are connected in a lot of ways. Bukod sa madalas kaming magpang-abot sa booth ng Radyo Singko, her chief of staff Eric Arevalo ay dati rin naming nakatrabaho sa DZAR Angel Radyo during the late 90s.
Mabuhay ka, Public Service Lady!