Kate Valdez sa relasyon nina Barbie Forteza at Jak Roberto: Sana all! 

KAHIT hindi nagkikita dahil sa enhanced community quarantine, close pa rin at updated dahil sa social media ang magkaibigang 

Barbie Forteza at Kate Valdez.

Natigil din ang taping ng dalawang Kapuso stars para sa primetime series nilang “Anak Ni Waray Vs Anak Ni Biday” dahil sa lockdown pero constant daw ang communication nila.

Sa isang interview, sinabi ni Kate na napapanood raw niya ang vlogs ng #JakBie, kung saan tinuruan ni Jak Roberto ang girlfriend na si Barbie kung paano magluto ng beef salpicao sa pamamagitan ng video chat. 

Ani Kate, “Opo nakita ko ‘yon, ang sweet! Sana all! Kahit naman malayo sila ni Kuya Jak, talagang gagawa at gagawa sila ng paraan para magkita at magkausap sila.”

Single pa rin si Kate until now pero aniya, hindi niya minamadali ang pagkakaroon ng lovelife dahil alam niyang darating ito sa tamang panahon.

Samantala, TikTok ang bagong libangan ni Kate habang naka-quarantine. Sa katunayan, mayroon na siyang millions of views sa loob ng isang buwan.

* * *

Muling mapapanood ang Dear Uge episode ni Kisses Delavin na “Viral Maging Judgmental” ngayong Linggo kung saan gumanap siyang kapatid ni Eugene Domingo. 

Si Adele (Eugene) ay isang mainiping lady guard na nag-viral sa social media dahil sa pagpalo niya sa isang senior citizen. 

Dahil dito, naapektuhan ang buhay ni Adele kasama na diyan ang kanyang trabaho at ang relationship niya sa kanyang kapatid na si Amy (Kisses). 

Nang malaman ni Amy ang tungkol sa ginawa ni Adele, nagbago ang kanyang pananaw sa kanyang kapatid at hinusgahan ito. 

Maipaliwanag kaya ni Adele ang tunay na nangyari sa kanya? Paniwalaan kaya siya ni Amy? Abangan ang kuwentuwaang ito kasama sina Kisses at Eugene sa “Dear Uge Presents: Viral Maging Judgmental” ngayong Linggo ng hapon sa GMA.

Read more...