APAT na exotic pets ang kinumpiska ng Department of Environment and Natural Resources sa isang subdivision sa Antipolo City noong Martes.
Nakatanggap ng tip ang DENR kaugnay ng pag-aalaga umano ni Don Michael Perez, ng Filinvest East Homes ng mga exotic animals kaya isinagawa ang raid.
Wala umanong naipakitang permit si Perez para sa pag-aalaga ng dalawang Serval cats (Leptailurus serval), isang Ducorp’s cockatoo (Cacatua ducorpsii), at isang Blue-and-gold macaw (Ara ararauna).
Ayon kay Perez ang mga Serval cats ay ibinenta sa kanya ng holder ng certificate of wildlife registration, samantalang ang Ducorp’s cockatoo ay nabili niya sa Cartimar, Pasay City samantalang ang Blue-and-gold macaw ay galing umano sa Birds International Inc.
Dahil sa ipinatutupad na quarantine, binigyan si Perez ng panahon upang maipresinta ang mga kinakailangang permits sa DENR para hindi masampahan ng kaso.
Dinala ang mga hayop sa Wildlife Rescue Center sa Quezon City.
Ayon sa Wildlife Resources Conservation and Protection Act (RA 9147) kailangan ng permiso mula sa DENR para makapag-alaga ng wildlife pets.
Ang Serval cats ay nasa Appendix II ng Convention on International Trade in Endangered Species of Wild Fauna and Flora (CITES).