PH tumanggap ng donasyong PPEs at medical supplies mula sa UAE

PPEs

TINANGGAP ng gobyerno ng Pilipinas ang ayuda mula sa bansang United Arab Emirates (UAE) tulad ng mga Personal Protective Equipment (PPEs) at medical supplies bilang suporta laban sa COVID-19.

Personal na tinanggap nina Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., Department of  Health (DOH) Secretary Francisco Duque III at Chief Implementer of the Government’s National Policy Against COVID-19 Secretary Carlito Galvez ang mga donasyon.

Iniabot ni UAE Ambassador to the Philippines Hamad Al-Zaabi

ang mga nasabing PPEs at mga medical supplies.

Ang nasabing ayuda ay naglalaman ng apat na metriko toneladang PPEs (face masks, gloves, shoe covers) at tatlong metriko toneladang medical supplies (sanitizers at wipes).

Pinasalamata  ng DFA ang gobyerno ng UAE dahil malaking tulong ang mga ito kontra COVID-19.

Read more...