Public school employees nagdonate ng PPEs

PPEs

NAKALIKOM ng P1.4 milyon ang Quezon City Public School Teachers Association na kanilang ipinambili ng mga personal protective equipment na ibinigay sa mga ospital sa Metro Manila.

Ang pondo ay galing umano sa suweldo at allowance ng mga empleyado ng pampublikong paaralan sa lungsod at donasyon ng ilang pribadong indibidwal.

Ayon kay Kristhean Navales, pangulo ng QCPSTA, ang mga PPE, N95 masks, goggles, medical gloves, surgical masks, alcohol, at face shields ay ibibigay sa 16 na ospital kabilang ang Philippine Heart Center, Lung Center of the Philippines, Quezon City General Hospital, East Avenue Medical Center, Philippine Children’s Medical Center, at Rizal Medical Center.

Namigay din sila ng food pack sa ilang pamilya sa lungsod.

Read more...