NADAGDAGAN ng 21 ang bilang ng mga overseas Filipino workers na nahawa ng coronavirus disease 2019.
Ayon sa Department of Foreign Affairs 1,922 na ang kabuuang bilang ng mga OFW na nahawa ng COVID-19.
Pito naman ang nadagdag sa mga nasawi na may kabuuang bilang na 222.
Nadagdagan naman ng 34 ang kaso ng mga gumaling na sa sakit o kabuuang 557.
Nakakalat ang mga nahawang OFW sa 46 bansa.
MOST READ
LATEST STORIES