LTO: Huwag maniwala sa nag-aalok ng driver’s license renewal sa social media

NAGBABALA ang Land Transportation Office sa publiko kaugnay ng mga indibidwal na nag-aalok umano ng renewal ng driver’s license.

Sa isang pahayag, sinabi ng LTO na extended ang validity ng mga driver’s license na nag-expire sa panahon ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine.

Nakarating umano sa LTO ang ilang indibidwal na nagaalok ng serbisyo sa social media platforms para makapag-renew ng lisensya.

“We strongly caution our clients and the general public that the aforesaid services are not authorized by the agency and are therefore patently illegal,” saad ng pahayag na pirmado ni LTO Chief Edgar Galvante.

Dahil sa ECQ ay sinuspendi ng LTO ang lahat ng aplikasyon para sa renewal ng driver’s licenses at iba pang permit at maging ang pagpaparehistro ng sasakyan.

“We are having the matter investigated to identify and pinpoint these unscrupulous individuals and those who have knowingly patronized their services in order for us to institute the appropriate criminal, civil and administrative charges against them.”

Read more...