Direk Peque Gallaga pumanaw na sa edad 76

PUMANAW na ang award-winning veteran director na si Peque Gallaga kaninang umaga. Siya ay 76 years old.

Ayon sa pamilya ni Direk Peque o Maurice Ruiz de Luzuriaga Gallaga sa tunay na buhay, namaalam ang direktor habang naka-confine sa Riverside Medical Center sa Bacolod City.

Kumplikasyon sa kanyang heart condition ang dahilan ng kanyang pagkamatay.

Kamakailan, sinabi ng asawa ni Direk Peque na si Madie Gallaga na hindi na ito makapagsalita nu’ng huli niyang kausapin. Alam na rin daw ng premyadong direktor na bumibigay na ang kanyang katawan.

Narito ang official statement ng pamilya ng director: “He was a visionary and artist; a loving husband, father, and grandfather; and a dear friend. He has brought so much joy to so many people and he will always live in our memories and in his art.

“There will be no service as we will observe safety precautions during these times. We are grateful for your thoughts, well-wishes, and prayers but we would appreciate some time to grieve as a family in private during this very painful time.”

Nauna nang nilinaw ng pamilya ni Direk Peque na wala itong coronavirus at hindi rin ito na-comatose.

Si Direk Peque ang nagdirek ng mga classic Pinoy films na “Oro, Plata, Mata” (1982), “Scorpio Nights” (1985), “Tiyanak” (1988), “Aswang” (1992), “Darna: Ang Pagbabalik” (1994), “Magic Kingdom” (1996) at marami pang iba. Ilan sa mga pelikulang ginawa niya ay kasama ang si Direk Lore Reyes.

Lumabas din siya bilang aktor sa ilang pelikula tulad ng “Tatlong Taong Walang Diyos” (1976),  “Jose Rizal” (1998), “Enteng Kabisote 4″ (2007), at “Si Agimat at si Enteng Kabisote” (2010).

Read more...