IPINAGMALAKI ni Mavy Legaspi, isa sa kambal na anak nina Zoren Legaspi at Carmina Villaroel na malaki ang impluwensiya sa kanila ng pagiging generous ng ina.
Eh, namamahagi rin kasi ang pamilya nila ng relief goods at nagsasagawa ng donation drive para sa mga apektado ng COVID-19 pandemic.
Ginagawa nila ang pagtulong hindi dahil anak sila ni Carmina at ni Zoren Legaspi. Kusang loob ang pagtulong ng kambal.
“We do it all too naturally. We also love to give and spread love out there.
“We also love to be a helping hand genuinely, not because we want it na parang they recognize us na, ‘Oh, very helpful sila or napakabait naman nung anak ni Carmina.
“No, we do it genuinely because we got it from our mom,” pahayag ni Mavy sa GMA.
Saad naman ni Cassy, “Every time, every year when its’ our mom’s birthday, she always donates to charity, we always visit, play games with them, give food and all that.
“Basta I’ve never seen such a good person and that it Carmina Villaroel-Legaspi,” pagmamalaki pa ng dalaga sa kanyang celebrity mom.
Ibinuking din ni Cassy na si Mavy ang male version ng kanilang ina. Ayon sa kambal, si Mavy ay malambing, malinis sa kanyang kapaligirian, maporma, at maagap sa oras tulad ng kanilang ina.
Agree naman dito si Mavy, “Personality-wise, easy-going. We’re very easy-going, outgoing, extroverts. Kumbaga we’re very easy to talk to.”
Samantala, marami naman ang nag-enjoy sa pangalawang vlog ni Andre Paras kung saan kasama niya ang Legaspi twins.
Maliban sa kamustahan at biruan, isa sa mga napag-usapan ay ang unang teleserye role ni Cassy sa “First Yaya” at ang kanyang love team sa programang si Kelvin Miranda.
Nagpapasalamat si Cassy dahil mabait si Kelvin. Aniya, “He’s okay naman, he’s nice, very engaging, he always initiates the talks kasi you know, believe it or not, I’m shy.”