HINDI napigilan ni Kim Chiu na maglabas ng kaniyang hinaing sa social media tungkol sa pagsasara ng ABS-CBN.
“Yesterday was so dark diko alam kung ano ang mararamdaman pag gising ko sa umaga. A lot of kapamilyas were crying, hearts are broken. Hindi lamang sa mga artista kundi sa mga tao sa likod ng camera, sa mga taong sumusubaybay sa bawat palabas ng abs… Hindi kapani paniwala ang nangyari.”
Aniya, bakit ngayong may pinagdadaanan pa dahil sa coronavirus disease ito nangyari kung kelan walang kasiguraduhan ang buhay ng tao.
“Sa gitna ng pinagdadaanan ng lahat ng pilipino ngayon ETO TALAGA ang ibibigay nyo sa amin???!!! Sa panahon na walang kasiguraduhan ang buhay ng bawat tao??! Sa panahon na hindi handa ang lahat sa epidemyang kinakaharap natin ngayon! Sa panahong maraming nawalan ng trabaho?!”
“Sa panahong TAKOT ang nararamdaman ng karamihan! ETO TALAGA ANG IBIBIGAY NYO?!”Ang cease and desist order sa abs cbn ng walang kalaban laban??? BAKIT NGAYON?! BAKIT SA gitna ng panahon na wala kaming magawa para sa aming tahanan na noon pa man ay siyang tumulong sa akin, sa amin at sa lahat ng tao na nangangailangan! Sa isang kumpanyang handang tumulong sa bawat pilipino sa bawat kalamidad na pinagdadaanan ng ating bansa?”
“Nasaan ang PUSO AT MALASAKIT??? Nasaan ang pagiging PILIPINO?! Nasaan ang pagkakaisa?!!! pagunawa?!! PAGTUTULUNGAN???!!!”
Tinatayang 11,000 na empleyado ang naging apektado ng papasara sa ABS-CBN.
“Sana naisip nyo rin ang epeketo nito sa mga tao. Ang dami nang nahihirapan sa sitwasyon ngayon. Pag nalift na ang quarantine maraming pamilya parin ang magugutom. Paano sisimulan ang buhay ng bawat empleyadong tinanggalan nyo ng hanapbuhay!!! Mga empleyadong nagbabayad ng tamang buwis! mga Pilipinong tinanggalan nyo ng karapatang lumaban!!! Sana naisip niyo rin naging parte din ng buhay nyo ang ABSCBN.”
“Lumaki kayong nanood ng kapamilya network, nanood ng balita, drama at marami pang iba. Para nyo kaming tinapakan at dinuraan ng paulit ulit. Sa panahon ng ECQ nyo pa talaga ginawa to! Para kang sinaksak sa likod ng taong tinuring mong “KAPAMILYA”.”
Sey ni Kim wala namang nilabag na batas ang ang ABS-CBN.
Sa lahat ng namumuno ng NTC??? Bakit!!!? WALANG NILABAG NA BATAS ang ABSCBN. Anong nangyari sa oath nyo nung march2020?! Nakalimutan nyo na? Kay SolGen Calida, nasaan PO ang puso nyo?! PO?! Or should I say may puso pa ba kayo???!!!
“HINDI SAPAT ANG MANAHIMIK SA SITWASYON NGAYON!!!!!! #NOtoABSCBNshutdown.” sey niya sa huli.