Paandar ni Bea para sa ABS-CBN winner: Iikot muli ang roleta ng buhay! | Bandera

Paandar ni Bea para sa ABS-CBN winner: Iikot muli ang roleta ng buhay!

Ervin Santiago - May 07, 2020 - 11:00 AM

IBANG klaseng pagsuporta at paninindigan ang ipinaramdam ni Bea Alonzo sa ABS-CBN matapos itong magsara nitong Martes.

Hindi siya nagmura, nakipag-away o nagtatalak sa social media para ipagtanggol ang kanyang mother network. Idinaan niya ang kanyang mensahe sa isang “spoken word” at ibinahagi sa Instagram.

Paglilinaw ng aktres, hindi ito parinig, reklamo o pagpuna sa nangyari sa Kapamilya Network, nais lang niyang ilabas ang kanyang nararamdaman.

Narito ang bahagi ng mensahe ni Bea: “Naisipan kong sumulat kagabi. Para sa dalawang dekada.

“Isang sulat para sa aking tahanan, hindi man magaling, susubukan pa rin. maiparating lamang ang nilalaman ng damdamin.

“Isa itong parinig. Mali.

“Isa itong reklamo. Mali.

“Isa itong pagpuna. Mali. 

“Isa lamang itong pagbabalik tanaw kung paano ba nagkamuwang at nabuo ang pagkatao sa piling ng mga taong pinagkakatiwalaan at sa lugar na tinuring nang tahanan.

“Nagsimulang mangarap nung bata pa lang na humarap sa madla at magkaroon ng puwang sa industriyang hinahangaan. 

“Na para bang isang batang hindi marunong sa mundo walang muwang nag-uumpisang gumapang hanggang sa tulong mo, ako’y natuto nang tumayo.

“Unti-unti isang hakbang pagkatapos ng isa, at isa pa, at isa pa. 

“Lumakad papunta sa daang gustong tahakin, hindi naging madali, madalas nadadapa, madalas natatapilok.

“Pero isa lang ang laging sigurado, may kamay na aakay sayo. may ilaw na laging gagabay sayo.

“Pero hindi din perpekto ang daan, minsan nakikita mo na lang ang sarili mong parang nasa roleta, minsan nasa’y itaas, minsan nasa’y ibaba, pero ang laging natatanaw, pula, berde at bughaw.

“Lumaking hindi buo ang pamilya, laging may kulang, pero lagi kayong nandiyan para magpuno ng kulang, kulang, kulang sa oras para sa pamilya, kulang ang oras para magawa ang serbisyo, kulang ang oras para magpahinga. pero lahat ng yun ay pinagdaanan dahil magkakasama tayo.

 “Hindi batid ang pagod at puyat dahil alam na mas masarap ang hatid nitong ngiti at saya sa pamilya na kasakasama mula sa kahon na pinagmumulan ng ligaya at pag-asa.

 “Di alintana ang distansya.

“Ilang minuto

“Ilang segundo

“Ilang hakbang

“Ilang hinga

“Ilang luha

“Ilang sakit

“Ilang ngiti

“Ilang pighati

“Kayo ang pinipili. 

“Nagkaroon ng tapang para harapin ang buhay, habang kumakaway sa dating ako.

“Sino nga ba ako? madalas na tanong. Isa lang ang alam na siguradong sagot. Isa akong kapamilya.

“Halos dalawang dekada, kayo ang kasama.

“Nakilala ang sarili, gamit sina Basya at Bobbie, marami pang ibang naging instrumento para mahukay ang tunay na pagkatao.

“Sila ay ako. Sila ay kayo.

“Pula. berde. bughaw.

“Iikot muli ang roleta ng buhay. Hindi laging nasa ibaba. umaasang iikot muli ang roleta.

“Hanggang sa muli, Kapamilya.”

Bago ito, nagpahayag din si Bea ng pakikisimpatya sa 11,000 empleyado ng network na mawawalan ng trabaho.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“The Philippines will never be the same without ABS-CBN. People are dying, people are starving, and the last thing that we want right now is to see these 11,000 people (or more) face the uncertainties of tomorrow without a job to hold on to and a family, ABS-CBN, to run to,” ani Bea.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending