SINUSULIT ng Kapuso actress na si LJ Reyes ang kanyang oras para turuan ang anak na si Aki habang patuloy na ipinatutupad ang lockdown sa Luzon.
Sa katunayan, gumawa pa siya ng improvised ECQ schedule para sa anak na ibinahagi niya sa kanyang YouTube channel.
Aniya, “So naisip namin na i-share namin sa inyo kung ano ‘yung ginawa kong schedule for him this quarantine period.
“And actually, it’s already for his summer period this year. Ito ‘yung pinili naming schedule because there are things na gusto kong ma-improve ni Aki, especially dun sa comments ng teachers niya and more of the things na alam kong interests him,” aniya pa.
Dagdag pa ni LJ, mahirap gumawa ng lesson plans habang nasa bahay pero nirerekomenda pa rin niya ito sa mga nanay na katulad niya.
“When you learn you become productive, wala naman school e. Might as well be productive right? Well for me naman, I really suggest you make your own schedule for your kids.
“Siyempre ‘di naman kailangan i-follow itong schedule namin ni Aki kasi siyempre this is more personalized and customized, and it suits him.”
Ayon kay LJ, pansamantala lamang ang schedule na ito ni Aki at aaralin pa rin niya ang development ng anak pagkatapos ng lockdown.
* * *
Parami ng parami ang followers ng Kapuso actress na si Mikee Quintos sa TikTok.
Sa katunayan, may 1 million followers na ang aktres sa video-sharing app na ito.
Masayang ipinost ng aktres sa kanyang Instagram stories ang good news na ito. Aniya, “1M on TikTok!! You guys are wild!! Thank youuu!!”
Kabilang si Mikee sa mga Kapuso stars na humahataw sa TikTok na nagbibigay aliw sa mga netizens.