SIGURADONG kinilig uli nang bonggang-bongga ang MayWard fans sa birthday greeting ni Edward Barber para kay Maymay Entrata.
Nagse-celebrate ngayong araw ng kanyang 23rd birthday ang Kapamilya youngstar at dahil naka-lockdown pa rin ang buong Luzon, sa bahay lang nagparty-party ang dalaga kasama ang kanyang pamilya.
Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Maymay ang ilang litrato na kuha sa kanyang simpleng birthday celebration.
“Yung akala mong matutulog kang malungkot. Salamat sa pa surprise inday @cntpatricia_ @jaybienjescojb @daisyreeluche.. mahal ko kayo!” caption ng dalaga.
At ito na nga, hindi siyempre nakalimutan ng kanyang ka-loveteam na si Edward ang kanyang kaarawan at talagang nag-post pa ang binata sa IG ng picture ni Maymay na may tagos sa pusong mensahe.
“Through all the chaos in the world, through all the joy and pain, all the storms brewing in our lives, you are a bright star of hope.
“I know things didn’t go how you planned this time. But I know that won’t stop you from smiling. Your heart is full of God’s love, and he’s blessed you so you can be a blessing. And that’s what you are.
“God bless you always. Don’t forget that I have your back, HAPPY BIRTHDAY MAY, and don’t forget that you are #GodsForeverPrincess,” ang sweet na sweet na birthday greeting ni Edward kay Maymay.
Habang sinusulat namin ang balitang ito, wala pa kaming nababasang reply ng dalaga kay Edward.
Kung matatandaan, sabay na nag-post sa IG ng mahabang message ang magka-loveteam tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.
“Sa loob ng tatlong taon na nandito ang MayWard, nakita niyo po at narinig niyo mula mismo sa aming dalawa ang tunay na nararamdaman namin sa isa’t isa.
“Masaya at masarap po sa pakiramdam ang idea ng isang romantic relationship, but as we go along our journey, we realize na hindi basta-basta lang to get into a relationship.
“Sana po ay naiitindihan niyo po kami. Patuloy namin inaalagaan ang isa’t isa at ang relasyon naming magkaibigan.
“Sa ilang taon naming pagsasama, sa trabaho man at sa personal, pareho po namin na-realize na sa estado ng buhay namin ngayon, we both are still very young and there is so much more we still want to achieve in our lives.
“We both agree there is no need to rush into anything. This means not having a romantic relationship between us at this point. Pareho po namin na-realize that being the best of friends will even be more beneficial for us.
“Mas kumportable kami makakapagtrabaho. Wala pong pagbabago. Kami pa din ang magkasama dahil there’s no one else we would rather work with than each other.”
“Pinapanalangin po namin ang inyong suporta, respeto at pagmamahal sa amin, pati na sa aming pamilya at mga kaibigan.”