ARESTADO ang 56 Chinese nationals sa isa umanong ilegal na Philippine Offshore Gaming Operators sa Makati City kahapon.
Sinalakay ng mga pulis mula sa iba’t ibang unit ang residential building sa 8884 Obrero St., Bgy. Olympia, Makati City alas-11:30 ng umaga.
Nasamsam ng otoridad ang mga laptop at cellphone na ginagamit umano sa iligal na operasyon.
Dinala ang mga naaresto sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanila.
“We would like to reiterate our plea for cooperation from all the people in Metro including our foreign friends who are staying here to please observe due compliance to all existing laws especially the further extended ECQ protocols to alleviate the difficulties brought by this pandemic not just to our frontliners but to each of us alike,” ani PMGen Debold Sinas, hepe ng National Capital Region Police Office.