BAGSAK sa kulungan ang lalaki, na isang buwan na umanong walang trabaho, sa buy bust operation sa Tondo, Maynila.
Ayon sa pulisya, nakuha sa di-pinangalanang suspek ang 10 gramo ng shabu sa operasyon sa Brgy. 244 kahapon ng umaga.
Nasakote ang suspek makaraan siyang ireklamo ng mga kapitbahay na natunugan ang ginagawa niyang pagtutulak.
Inamin ng suspek na ang pagbebenta ng droga ang naisipan niyang gawing negosyo matapos mawalan ng trabaho dahil sa ipinaiiral na enhanced community quarantine.
Sinabi naman ng pulisya na ginamit ng suspek ang nakuhang ayuda mula sa
Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ng kanyang asawa para ipuhunan sa pagtutulak ng shabu.
MOST READ
LATEST STORIES