Mother Lily tuloy ang paggawa ng pelikula sa new normal; nag-thank you kay Bistek
PINADALHAN ni former Quezon City Mayor Herbert Bautista ng food si Mother Lily Monteverde kaya naman todo ang tuwa ng Regal matriarch.
“My dearest Mayor Herbert B, this is Mother Lily.
“Thank you for the food you sent me. Your are so thoughtful!!! I love you very much,” text ni Mother kay Citizen Bistek.
Naka-lockdown din si Mother sa bahay nila sa Greenhills at dahil senior citizen na rin, bawal siyang lumabas-labas kung hindi talaga kailangan.
Pinaglulutuan na rin siya ng anak na si Roselle Monteverde dahil sarado ang favorite restaurant niya sa Greenhills.
Pero kahit nasa bahay lang, concerned din siya sa mga taong apektado ng enhanced community quarantine.
As we all know, nag-donate rin siya ng P1 million through ABS-CBN Foundation.
Nitong nakaraang araw, sinumulan na rin ang kanilang “StayAtHomeWatch RegalMovies” na isang fundraising program para tulungan ang in need at frontliners na apektado ng COVID-19.
Eh, nu’ng sumabog ang bulkang Taal, apektado rin ang kanyang resort at ngayong may COVID pandemic ay tigil din muna ang Regal sa paggawa ng movies.
Once matapos na ang krisis na ito, ipagpapatuloy ni Mother Lily ang mga nasimulang pelikula para makadagdag tulong sa movie workers.
Pero siyempre, kailangang pag-isipan mabuti ng Regal Films kung paano makakapag-shooting sa ipatutupad na “new normal” ng gobyerno para masiguro ang kaligtasan ng lahat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.