NAGPAHAYAG ng suporta at pakikisimpatya ang ilang Kapuso celebrities sa ABS-CBN matapos ipatupad ang cease-and-desist order mula sa National Telecommunications Commission.
Nag-expire na ang 25-year-franchise ng ABS-CBN nitong nagdaang Lunes at nagdesisyon nga ang broadcasting company na itigil muna ang operasyon ng kanilang TV at radio network.
Kanya-kanyang post ng kanilang online protest ang mga Kapamilya stars tungkol sa pagpapasara sa network, pati ang mga talents ng GMA 7 na matapang na nagpahatid ng pagsuporta sa istasyon at sa 11,000 empleyado nito.
Una na nga riyan ang 24 Oras news anchor na si Atom Araullo na dating taga-ABS-CBN. Tweet ng binata, “Sorrow today, courage and defiance tomorrow. #DefendPressFreedom.”
Nag-post naman ang Eat Bulaga Dabarkads na si Maine Mendoza sa Twitter ng tatlong puso na kulay pula, berde, at asul, ang kulay ng ABS-CBN logo.
Tweet naman ni Lovi Poe, “This is heartbreaking. [broken heart emoji]. Prayers for everyone. [red, green, and blue heart emojis].”
Pahayag naman ni Janine Gutierrez, “The moment we no longer have a free press, anything can happen.
“What makes it possible for a totalitarian or any other dictatorship to rule is that people are not informed; how can you have an opinion if you are not informed?
“If everybody always lies to you, the consequence is not that you believe the lies, but rather that nobody believes anything any longer.”
“Yakap at dasal,” ang post ni Julie Anne San Jose kalakip ang tatlong puso na kulay pula, berde at asul.