Mga senador kinondena ang order ng NTC vs ABS-CBN

KINONDENA ng mga senador ang ipinabas na cease and desist order ng National Telecommunications Commission (NTC) laban sa ABS-CBN makaraang mapaso ang prangkisa nito.

Senate Minority Leader Franklin Drilon na malinaw na “grave abuse of discretion” ang naging hakbang ng NTC na dapat noon pa ay naglabas na ng  provisional authority para sa pagpapatuloy ng operasyon ng ABS-CBN.

Kinuwestiyon naman si Sen. Majority leader Juan Miguel Zubiri ang timing ng NTC sa harap ng nararanasang pandemic kung saan mahalaga ang papel ng media.

Ayon naman kay Sen. Grace Poe maraming empleyado ang mawawalan ng trabaho dahil sa tigil-operasyon ng ABS-CBN.

Read more...