DUMISTANSYA ang Palasyo sa naging kautusan ng National Telecommunications Commission (NTC) matapos nitong ipatigil ang operasyon ng ABS-CBN makaraang mapaso ang prangkisa nito.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na bagamat tinanggap ni Pangulong Duterte ang sorry ng pamunuan ng ABS-CBN, nasa kamay naman ng Kongreso ang pagbibigay ng prangkisa ng network.
“We thank the network for its services to the Filipino nation and people especially in this time of COVID-19. But in the absence of a legislative franchise, as we have earlier said, ABS-CBN’s continued operation is entirely with the NTC’s decision,” sabi ni Roque.
Idinagdag ni Roque na malaya naman ang ABS-CBN na gumawa ng kaukulang hakbang kaugnay ng cease and desist order laban sa television giant.